Ang mga gagawin sa bawat araw: pagbebenta, utang, resibo, time in/out, at pagsara ng araw.
1
Kilalanin ang Sell screen
Items
I-tap para idagdag sa Cart. Makikita ang presyo at kung ilan pa ang natitira.
Synced
Berdeng tuldok: naka-save na online. Dilaw na may to sync: naghihintay ng internet. I-tap para mag-sync agad.
Install
Ilagay ang app sa home screen. Sa iPhone, mahalaga ito para hindi mabura ang benta habang offline.
Pangalan mo
I-tap para magpalit ng user (kailangan ang PIN).
Mga tab
Sell, Stock, Staff/Crew, Reports, Settings.
2
Mag-benta
I-tap ang mga item. Gamitin ang − / + o i-type ang dami.
Senior Citizen o PWD? I-check ang tickbox, ilagay ang Discount % at ang ID number. Parehong kailangan.
Piliin ang Payment. Kapag Cash, ilagay ang Cash received o pindutin ang Exact, ₱500 o ₱1,000. Lalabas ang sukli.
Pindutin ang Proceed to checkout.
3
I-check ang order
Basahin ulit ang order at total. Tama? Pindutin ang Complete sale. May mali? Pindutin ang Bumalik.
4
Ibigay ang resibo
I-save at i-share ang resibo: naise-save bilang larawan, tapos puwedeng i-send sa Messenger, SMS o Bluetooth.
Print via Bluetooth o RawBT kung may thermal printer.
Pindutin ang New sale para sa susunod na customer.
5
Pautang (Utang)
Sa Payment, piliin ang Credit (Utang) at ilagay ang pangalan ng customer. Tapos Proceed to checkout.
Pangalan lang ang ilagay, at pareho palagi (ex. laging Mang Ben). Kapag may dagdag na salita, ibang tao ang turing ng app at hiwalay ang listahan.
Kapag nagbayad: sa Reports, hanapin ang pangalan sa Unpaid utang at pindutin ang Record payment. Puwedeng hulugan; uunahin ang pinakalumang utang.
6
Time in at time out
Sa Staff/Crew tab, piliin ang pangalan mo at pindutin ang Time in pagdating at Time out pag-uwi. Kailangan ang PIN. Dito rin ang Palitan ang PIN ko.
7
Itala ang Cash in/out
May inilabas na pera sa kaha (yelo, gas, bayad sa supplier) o may idinagdag? Pindutin ang Cash in/out sa itaas ng Cart.
Uri: Cash out kung inilabas, Cash in kung idinagdag.
Ilagay ang Halaga, piliin ang Dahilan, at maglagay ng note kung kailangan.
Pindutin ang I-save. Kasama ito sa bilang sa Close day, kaya hindi lalabas na kulang ang kaha.
8
Isara ang araw
Sa pagsara ng tindahan, pindutin ang Close day.
Makikita ang buod: benta, bayad ayon sa paraan, utang, void, at cash in/out.
Starting cash in drawer: ang panukli sa umpisa ng araw.
Cash counted now: bilangin ang pera sa kaha at ilagay.
Ipapakita ang Over / short. Pula kung kulang. Isulat sa Note ang dahilan, tapos pindutin ang Close day.
9
Tingnan ang Reports
Sa Reports tab (owner at manager), piliin ang petsa at pindutin ang Load. Makikita ang benta, kita, utang, pinakamabentang oras, at bayad ayon sa paraan. May Export CSV para sa Excel.